Sa wakas, nakita na rin ng Call of Duty fans ang bagong mapa ng Warzone na Urzikstan sa CoD Next event.

Ito ay idaragdag sa Ashika Island at Vondel bilang Warzone maps, ngunit ang dalawang ‘yon ay mas maliit na resurgence maps sa rotation.



Warzone map na Urzikstan, may Verdansk vibes — at gusto namin ‘to

CoD Warzone map Urzikstan
Credit: Activision

Ang Warzone map na Urzikstan ay inilarawan ng Activision bilang “a massive urban battleground with water lanes and desert combat.”

Iilang players na ang naghahalintulad nito sa paborito ng komunidad na Verdansk, at marami ang nagulat sa paglabas nito sa CoD Next.

Iilang punto ng interes sa mapa ay pamilyar na sa mga long time Call of Duty fans, at ang Countdown ng CoD 4 at Overwatch mula sa orihinal na Modern Warfare 3 noong 2011 ay lumabas din sa bagong mapa. ‘Wag kang mag-alala, maaring may madaragdag pa riyan.

Ito ang lahat ng pangalan ng 11 POIs:

  • Levin Resort
  • Popov Power
  • Orlov Military Base
  • Seaport District
  • Urzikstan Cargo
  • Old Town
  • Low Town
  • Hadiqa Farms
  • Zaravan City
  • Zaravan Suburbs
  • Shahin Manor

Katulad ng dati, maraming buy stations at iba pang tradisyonal na Warzone features, ngunit mayroon ding mga bago. May tren sa mapa na maaring mamaneho ng mga players, para ma-navigate mo ang mapa.

Ang Warzone mapa na Urzikstan ay lalabas bilang parte ng Modern Warfare 3 season one kasabay ng bagong Zombies mode ng laro.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.

BASAHIN: Modern Warfare 3 multiplayer reveal trailer, kinagiliwan ng komunidad