Nakatakdang lumabas ang Call of Duty Modern Warfare 2 at Warzone 2 Season 6 sa September 27, at kasama nito ang mga panibagong content, tulad ng Skeletor operator skin.

Kasama ng update na ito ay ang pagbabalik ng Zombie Royale mode bilang parte ng isang event na The Haunting.



Paparating na ang Skeletor operator bundle ngayong Season 6 

CoD Skeletor operator bundle
Credit: Activision

“Become the true Overlord of Evil with the Skeletor Bundle, complete with a Skeletor Operator, as well as evil sorcery–themed Blueprints and Emblems. Coming during The Haunting,” saad sa isang post sa opisyal na Call of Duty X account.

Dagdag pa sa bagong Skeletor operator, may mga iba pang pinakita sa anunsyo. Maasahan ng mga fans ang paglabas ni Inarius at Lilith mula sa Diablo franchise kasabay ni Ash Williams mula sa Evil Dead franchise, ang superhero na si Spawn, at vampire hunter na si Alucard mula sa Hellsing.

Para makuha ang bagong operator na ito, kailangan mong bilhin ang Hellsing bundle sa opisyal na The Haunting event na magsisimula sa October 17.

The Haunting event sa Modern Warfare 2 Season 6
Credit: Activision

Inaasahang magiging final season ang Season 6 bago ang launch ng Modern Warfare 3. Importanteng alalahanin na magiging available lamang ang Alucard operator sa loob ng Season 6.

Dahil sa Carry Forward initiative, maaasahan ng mga fans na pwede pa rin nilang magamit ang operator na ito sa paglabas ng MW3 sa November 10.

Tulad ng mga nakaraang bundles tulad ng kay Nicki Minaj, inaasahang magiging US$19.99 ang halaga ng Hellsing bundle.
 
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty.

BASAHIN: Nagbabalik ang fan-favorite na Warzone 2 Zombie Royale sa Season 6 update