Sa pinakahihintay na Call of Duty Modern Warfare 2 Season 6 update na nakatakdang gawin sa ika-27 ng Setyembre, inaabangan ng fans ang pagbabalik ng isang partikular na game mode.

Muling lalarga ang Warzone 2 Zombie Royale sa ika-anim na season ng Modern Warfare 2, ang huling season bago ang launch ng Modern Warfare 3.



Ibabalik ng Season 6 ang Warzone 2 Zombie Royale mode

Call of Duty Modern Warfare 2 The Haunting event
Credit: Activision

Na-cover na natin ang ilan sa mga nakakamanghang operators na dadating sa laro sa Season 6, at marami sa kanila ang swak para sa nagbabalik na game mode.

Ang limited-time mode ay magiging live sa parehong Al Mazrah at Vondel. Ang malaking pokus ng mode na ito ay kapag namatay ang players, imbes na mapunta sa gulag, mabubuhay muli sila bilang zombies.

Kapag naging zombie na, ang players ay magkakaroon ng special abilities na tutulong sa kanilang misyon na mangoletka ng mga syringe, na magpapabalik sa kanila sa katauhang anyo.

Matatapos ang isang Zombie Royale game kapag ang natira na lamang ay ang mga buhay o patay.

The Haunting event sa Modern Warfare 2 Season 6
Credit: Activision

Ang Halloween-themed na modes ay kinokonsidera ng karamihan bilang pinakamagandang natanggap ng Warzone sa mga nakalipas na taon, at crowd favorite sa mga ito ang “The Haunting of Verdansk” event noong 2020.

Ngayong taon, maaaring makabalik ang fans, mamaril ng zombies, o maging isa sa kanila para sa laban kung sino ang matitira — patay man o buhay.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang tips tungkol sa COD.

BASAHIN: Inilahad ng Modern Warfare 2 Season 6 roadmap ang bagong Spawn operator at iba pa