Nandito na ang Call of Duty Modern Warfare 2 Season 5 Reloaded, at kasama nito ang mga bagong weapons tulad ng 9mm Daemon sidearm.

Pag-uusapan natin sa article na ito ang best 9mm Daemon loadout ayon kay WhosImmortal sa YouTube ngayong inilabas na ang bagong season update.



Best 9mm Daemon loadout sa Warzone 2

CoD Modern Warfare 2 9mm Daemon
Credit: Activision

Habang inamin ng sikat na Call of Duty creator na hindi mapupunta sa totoong meta ang mga pistol, tingin pa rin nila na may mga pwede kang gawin para maging nakakamatay ang pistol mo.

Sinabi niya na kasalukuyang nasa top pistol spot ang FTAC Siege, ngunit runner-up ang 9mm Daemon.

Pagdating sa build, nilagyan niya ito ng DEX8 Trigger para mapabilis ang fire rate at aiming idle stability, ngunit mawawala ang hip fire moving accuracy.

Pagkatapos ay dinagdagan niya ito ng Bruen Tri-Port muzzle para makapagbigay ng mas mainam na verticla recoil control, para mas ma-spam mo ang trigger nang mas mabilis at hindi malayo sa target ang pagbaril mo.

Para matulungan ang mobility at speed ng weapon, nilagyan ito ng FJX DIOD-70 laser. Maghahatid ang attachment na ito ng aim-down-sight at sprint-to-fire speed maliban sa aiming stability.

Para naman sa rear grip, pinili niya ang Daemon hand speciality grip para sa fast-draw, at para sa mas mabilis na sprint-to-fire at aim-down-sight speed.

Tignan ang best 9mm Daemon loadout ni WhosImmortal dito.

SLOT ATTACHMENT 
Muzzle Bruen Tri-Port 
Trigger Action DEX8 Trigger 
Rear Grip Daemon Hand 
Mag 20 Round Mag 
Laser FJX DIOD-70 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty. 

BASAHIN: Best ammo type sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2