Gusto malaman ng mga fans ng sikat na Call of Duty franchise kung magkano ang halaga ng Modern Warfare 3.

Ang rason para sa spekulasyon ay magiging isang update ng MW2 ang laro, sa halip na isang full-fledged release. Ito ay matapos ang mga balita na magiging holdover ang MW3 para bigyan ng sapat na oras ang game developer na bumuo ng panibagong titulo.

Sinagot na ng Activision Blizzard ang mga pagdududa ng mga tao.



Kumpirmado na ng Activision ang magiging halaga ng Modern Warfare 3 

CoD Modern Warfare 3
Screenshot ni Steven Cropley/ONE Esports

Ayon sa isang tweet ni CharlieINTEL, sinabi ng isang Activision spokesperson na “Modern Warfare III is a premium release. It will be priced accordingly at US$70 USD.”

At ayan na ang sagot sa tanong na magkano ang MW3 — US$70. Ito ay halos kasing-presyo ng mga karamihang modern AAA games na inilalabas ngayon.

Siyempre, magkakaroon pa rin ng mga pagtatalo kung worth it ba ang halaga ng Modern Warfare 3.

Sa halip ng mga ‘yan, tingin ng 100 Thieves CEO at dating professional player na si Matthew “Nadeshot” Haag na tama ang desisyon ng Sledgehammer pagdating sa MW3.

Maliban sa halaga ng Modern Warfare 3, nakakuha rin tayo ng kumpirmadong release date.

Nakatakdang ilabas ang laro sa November 10, kasama ng isang opisyal na reveal sa Warzone 2 ngayong buwan sa August 17.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.  

BASAHIN: Modern Warfare 3 Carry Forward: Ano ang malilipat mula sa Modern Warfare 2?