Matapos ang anunsyo ng Call of Duty Modern Warfare 3, isang malaking tanong ang nananatili patungkol sa susunod na installment ng sikat na franchise na ito.

Ano ang malilipat mula sa Modern Warfare 2? Iyan ang sinagot ng Modern Warfare 3 Carry Forward.



Isang sariwang ihip ng hangin ang Modern Warfare 3 Carry Forward para sa mga players 

Habang karamihan ay ine-expect na walang malilipat, hindi ‘yan ang magiging kaso para sa Modern Warfare 3. 

Halos lahat mula sa Modern Warfare 2 ay magiging parte ng initiative. Kasama dito ang mga operators, operator skins, weapon, weapon skins, at iba pa.



Ngunit habang kinumpirma ng Activision na malilipat ang mga “weapons and cosmetic content” bilang parte ng Modern Warfare 3 Carry Forward, may iilang mga bagay at detalye na hindi mo na makikita muli.

Mula sa opisyal na post: 

  • May kaunting content na magiging unavailable kung magiiba ang gameplay sa Modern Warfre 3. Halimbawa, kung walang Tactical Amphibious Vehicle sa MWIII, o isang specific na Tactical o Lethal Equipment sa kahit anong game modes, kahit anong Skins na na-unlock mo para sa mga items sa MWII ay hindi mo na makikita sa MWIII. Hindi na rin lilipat ang Wartracks (music) sa MWIII.
  • Hindi rin ni-reperensa ng blog ang mga planadong MWIII-specific weapons at cosmetic content.
  • Hindi magkakaroon ng “Carry Back”.

Importante ring alalaahanin na ganito rin ang sitwasyon sa cosmetics at weapons na nakuha sa Warzone.  

Malilipat ba ang mga operator at operator skins sa MW3?

Oo, malilipat ang mga operators at operators skins bilang parte ng Modern Warfare 3 Carry Forward. 

“All unlocked Operators and Operator Skins will carry forward into Modern Warfare III. This essentially means that every Operator an MWII player has unlocked, obtained via challenge, or purchased (including the PlayStation® Exclusive Oni Operator), will be available in MWIII. For MWIII players who do not own MWII, MWII Base Operators will not be available.”

Kung hindi pa nito nasagot ang mga tanong mo, tingnan ang opisyal na post na ito.

CoD Modern Warfare 3 Carry Forward
Credit: Activision Blizzard

Malilipat ba ang lahat ng weapons at blueprints sa MW3?

Oo, kasama ang lahat ng iyan sa Modern Warfare 3 Carry Forward.

Ayon sa Activision Blizzard, “All Modern Warfare II weapons will be available for Modern Warfare III players, although each weapon’s associated unlock challenge must be completed before it becomes accessible in MWIII. Any Blueprints also carry forward, and certain MWII Blueprints available via Store Bundles will also be available to purchase in MWIII.”

Kung nagaalala ka na baka hindi ka na makakakuha ng weapons mula sa MW2 dahil hindi mo ito nalaro, ‘wag kang mangamba.

Sinabi ng Activision na, “If you haven’t played MWII and pick up MWIII, the full complement of MWII weapons will be available, but only after the associated weapon challenges in MWIII are completed.”

May kasama pa bang ibang cosmetics sa Modern Warfare 3 Carry Forward? 

Oo at hindi.

Lahat ng weapon charms, stickers, emblems, at loading screens ay malilipat.

Pagdating sa vehicles, malilipat lamang ang skin para sa isang vehicle kung kasama ito sa MW3, at mayroong mga vehicles na hindi na masasama sa bagong laro.

Hindi na malilipat ang Wartracks, at mga kaugnay nitong cosmetics.

Ito ang babalang binigay nila: “Some Tactical and Lethal equipment may not be available depending on the removing of those items in MWIII, to be replaced with MWIII-only equipment.”

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty.

BASAHIN: Modern Warfare 2 Season 5 BlackCell Battle Pass presyo, rewards, at iba pa