Lumabas na ang Call of Duty Modern Warfare 2 Season 5 noong August 2 kasabay ang updated na BlackCell Battle Pass upgrade.

Maghahatid ang upgraded pass ng mas mabilis na run sa Modern Warfare 2 Season 5 Battle Pass via ang mga tier skips kasama ang mga ekslusibong cosmetics tulad ng operator skin, companion, blueprints, at iba pa.



Mga makukuha sa bagong BlackCell Battle Pass ng Modern Warfare 2 Season 5

COD Modern Warfare 2 Season 5 BlackCell Battle Pass
Credit: Activision Blizzard

Pagdating sa Season 5, asahan ang mga iilang new content, tulad ng bagong modes, mapa, events, DMZ updates, isang updated battle pass, at mga bagong operator skins para kay SNoop Dogg, Nicki Minaj, at 21 Savage.  

Para sa upgraded pass, ito ang makukuha ng mga players na interesado:  

  • Instant 1,100 COD Points  
  • Access sa buong Season 5 Battle Pass at 20 Tier Skips (25 sa PlayStation). Kasama na ang 1,400 COD Points sa pamamagitan ng Battle Pass 
  • Bagong Operator na si Arthur 
  • Ang companion ni Arthur na si Merlin 
  • Virtual Announcer Battle Pass Assistant “Gwen” 
  • Pro-Tuned Weapon Blueprint, Finishing Move, custom Parachute, at custom Contrails. 
  • Mabilisang pag-unlock sa Battle Pass Sectors patungong BlackCell Sector 
  • Iba pang BlackCell-only Battle Pass content: walong BlackCell Alt Operator Skins, anim na BlackCell Tracer Weapon Blueprints, and dalawang Vehicle Skins. 

Ang BlackCell Battle Pass ay humahalaga sa US$24.99 kung kasabay nito ang normal na trend. 

Isa sa mga benepisyo ng pag-upgrade ay ang tier skip. Sa pamamagitan nito, mau-unlock mo ang bagong Carrack .300 sniper at FR Avancer assault rifle kaagad.  

Ang dalawang bagong weapons na ito ay inaasahang maging sikat, kaya mas mainam na makuha mo agad ang mga ito.  

Para sa mga hindi bibili ng upgrade, marami ka pa ring pwedeng gawin pagdating ng bagong season, kahit na kailangan nilang laruin ang buong free pass.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang updates tungkol sa CoD.

BASAHIN: Call of Duty nagdagdag ng Snoop Dogg, Nicki Minaj, at 21 Savage skins para sa 50th anniversary ng hip-hop