Sa pagdiriwang ng 50th anniversary ng hip-hop, magdaragdag ang Call of Duty ng mga paborito mong celebrities sa anyo ng operator skins.

Kabilang dito ang popular na rapper at aktor na si Snoop Dogg.


Nagbabalik ang Call of Duty kasama sina Snoop Dogg, Nicki Minaj, at 21 Savage 

CoD Nicki Minaj skin
Credit: Activision Blizzard

Unang nakita ang legendary na artist na si Snoop Dogg noong nakaraang taon sa Call of Duty: Vanguard, ngunit nag-debut na siya sa isang serye via isang voice pack back sa Ghosts.  

Kasama niya bilang parte ng selebrasyon ay isang Nicki Minaj skin. Naka-trabaho na ni Minaj ang Activision noon, matapos niya maging parte ng isang ad para sa larong Modern Warfare 2, noong 2022. 

“Now in Modern Warfare II and Call of Duty: Warzone, she’s ready to make all rival Operators pound the alarm, as Nicki Minaj has her own Store Bundle, perfect for those who think they have good form across Battle Royale, DMZ, Multiplayer, and Special Ops.” sabi ng opisyal na anunsyo.  

Si Minaj ang kauna-unahang “self-named female Operator” sa Call of Duty.  



CoD 21 Savage
Credit: Activision Blizzard

Magiging available rin ang 21 Savage skin matapos niyan sa mid-season, ayon sa post.  

“Now, without warning, it’s time for him to go Savage Mode in Call of Duty – expect an Operator Bundle featuring 21 Savage to drop as part of the Reloaded offerings,” saad ng Activision.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.

BASAHIN: Best TAQ 56 loadout para wasakin ang mga Modern Warfare 2 lobbies