Naging isang malakas na baril ang TAQ 56 sa Call of Duty Modern Warfare 2 Season 4, at gamit ang build na ‘to, mas lalakas pa ito lalo.

Ibinahagi ng COD guru na si Hero ang TAQ 56 loadout na ginagamit niya para manalo sa lobbies. Inilarawan niya ang kaniyang TAQ 56 build bilang “heavenly and godly powerful that it obliterates any freaking being here in MW2 MP.”


IBA PANG CALL OF DUTY GUIDES
Paano makuha ang lahat nang Modern Warfare 2 Atomgrad Raid rewards
Pinakamagandang perk package sa Warzone 2.0
Paano gamitin ang DMZ para ma-unlock ng maaga ang guns sa Warzone 2.0

Pinangako ni Hero na kayang-kaya ng TAQ 56 loadout niya na gawin ang nais mo sa Call of Duty Modern Warfare 2 

COD TAQ 56 loadout
Screenshot ni Steven Cropley/ONE Esports

Sa kaniyang tinawag na “#1 TAQ 56 build,” garantisado ni Hero ang pinakamabilis na time to kill, pinakamababang recoil, at isang optimized tuning.  

Sinimulan niya ito ng RF Crown 50 muzzle na ginagamit niya para makatulong sa horizontal at vertical recoil control. Nagbibigay ito ng mas mainam na kakayahan sa long-range na bakbakan. 

Pagdating naman sa laser ng kaniyang TAQ 56 loadout, ginamit ni Hero ang pangmalakasang FSS OLE-V laser. Nakakatulong ito sa kaniyang aim down sight speed, aiming stability, at sprint-to-fire speed. 

Para sa kaniyang pangatlong attachment, pinili niya ang XTEN Nexus Grip para mapalakas ang recoil para sa mas maangas na first-shot accuracy. 

Pinili naman niya ang FSS Combat grip para sa rear grip para mas magkaroon ng kontrol sa recoil.  

SLOT ATTACHMENT TUNING (VERTICAL, HORIZONTAL) 
Muzzle RF Crown 50 +0.62, +0.21 
Laser FSS OLE-V Laser -0.39, -34.55 
Underbarrel XTEN Nexus Grip +0.36, +0.27 
Mag 40 Round Mag N/A 
Rear Grip FSS Combat Grip -0.68, -0.32 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty.

BASAHIN: Goliath Clash: Mag-capture, collect, at upgrade sa bagong game mode sa Call of Duty Mobile