Opisyal nang inilahad ang release date ng Call of Duty Modern Warfare 3.

Ibinunyag sa mga opisyal na social media accounts ng Call of Duty at Sledgehammer Games, malapit na dumating sa’yo ang susunod na installment ng minamahal na franchise.



Lalabas na ang Modern Warfare 3 sa November 

CoD Modern Warfare 3
Screenshot ni Steven Cropley/ONE Esports

Itatak na sa mga kalendaryo ang November 10, mga fans ng Call of Duty. Lalabas ang Call of Duty: Modern Warfare 3 sa PlayStation 5, PlayStation 4, Xbox Series X|S, Xbox One, at PC.

Nilabas na rin ang pangalan at logo. Na-leak ang logo ilang linggo lang bago lumabas ang promotional na materyal para sa kolaborasyon nila sa Monster energy drink, at ngayon, opisyal na siyang ibinunyag bilang parte ng anunsyo.

Dumating ang anunsyo sa isang video na binoses ni Captain Price. Sa tradisyonal na Modern Warfare fashion, pinakita ang wavelength visuals kasabay ang boses ni Price.

Nagumpisa itong berde bago maging pula, at tinapos ng linyang “never bury your enemies alive” habang lumabas si Vladimir Makarov sa screen.

Isang fan-favorite na kontrabida si Makarov sa orihinal na Modern Warfare 2, at mukhang magbabalik siya para sa susunod na installment.

Isang full reveal para sa Modern Warfare 3 ang inaasahang darating sa special Warzone event ngayong buwan.



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang impormasyon tungkol sa CoD.  

BASAHIN: Modern Warfare 2 Season 5 BlackCell Battle Pass presyo, rewards, at iba pa