Naghahatid ng iba’t-ibang ammo type ang Call of Duty Warzone 2.0 at Modern Warfare 2. Ang iba ay para sa mas magandang bullet velocity, habang ang iba ay mayroong ibang layunin tulad ng crippling at pagpabagal ng target.

Ano nga ba ang best ammo type na dapat mong gamitin? Depende ito sa sitwasyon, kung ikaw ay naglalaro ng battle royale o multiplayer.

Ito ang isang breakdown ng mga iba’t-ibang ammo types at kung ano ang dapat mong gamitin.



Ano ang best ammo type sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2?

Frangible

COD Best ammo type Frangible
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Nagdudulot ng wounding effect ang frangible ammo, na sandaliang magde-delay ng healing. Mahalaga ang slowdown na maihahatid nito, mula sa 5 seconds patungong 9.7 seconds, ayon sa TheXclusiveAce. Maaring maging deadly ang mas matagal na healing time sa multiplayer, at nagbibigay ito ng paraan para habulin ka ng kalaban at tuluyan ka nang mapatay.

Ngunit sa battle royale, ang delay sa healing ay mangyayari lamang kapag nabiyak mo ang armor plates ng iyong kalaban. Kailangan mo ring pag-isipan ang damage range penalty, lalo na sa Al Mazrah.


Hollowpoint

COD Best ammo type Hollow Point
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ang Hollowpoint naman ay makakapilay ng kalaban para mapigilan silang tumakas at makapagdulot ng kaunting disorienting effect. Habang maganda ito pakinggan, gumagana lamang ito kapag sa paa mo nabaril ang iyong kalaban. Ibig sabihin ay dapat magdulot ka ng lower damage at mas kaunti ang optimal time-to-kill.

Ngunit may trade-off naman, ang lower bullet velocity at bullet penetration. Nakita naming mahirap matamaan ang bullet velocity sa Warzone 2.0, lalo na sa espasyo ng Al Mazrah.


Armor Piercing

COD Best ammo type armor piercing
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Bagamat tinanggal ng Season 1 ang damage multiplier sa armored na kalaban, ngunit mananatili ang boost to bullet penetration ng mga balang ito kasabay ang kaniyang vehicle damage.

Ibig sabihin ay mas madali mong mapatumba ang mga killstreaks tulad ng Wheelson-HS at VTOL jet.


Overpressured +P

COD Best ammo type Overpressured
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Nagbibigay ng malaking flinch sa target ang Overpressured rounds, depende kung gaano kataas ang retricle moves kapag bumabaril.

Pinaka-epektibo ito sa mga sniper rifles, kasama na ang marksman rifles. Kung may nakakainis na sniper sa iyong lobby, mainam na gamitin mo ang ammo type na ito. Sa paghahambing naman, ang mga weapons tulad ng assault rifles o SMGs ay hindi gaanong maapektuhan.


High Velocity

COD Best ammo type High Velocity
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Maaring ito ang best pick para sa mga battle royale players. Ang improvement sa bullet velocity ay kapansin-pansin, ibig sabihin ay hindi ka na mahihirapan masiyadong patayin ang target mula sa malayong distansya.

Ngunit mapipilitan kang ipagpalit ito sa damage range, pero mababawi naman ito gamit ang tamang barrel o muzzel attachment.

Sa multiplayer naman, hindi gaanong importante ang bullet velocity, at mas mainam pang gamitin ang attachment slot para sa iba.


Incendiary

COD Best ammo type Incendiary
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Hindi lahat ng weapons ay gumagamit ng incendiary ammo, at makikita mo lamang ito sa iilang baril tulad ng LMGs, battle rifles, marksman rifles, at sniper rifles.

Nagdudulot ito ng mababang burn effect sa target, kasabay ng vehicle damage. Ito ang best ammo type pagdating sa pagtigil ng killstreaks, ngunit ang mga negatibong aspeto pagdating sa bullet velocity, damage range, at bullet range ay malala. 

Nakatanggap ng 25 percent hit ang bullet velocity, ayon sa TheXclusiveAce, ibig sabihin mahihirapan ka sa long range. Dagdag pa riyan, mawawala na ang bullet penetration, at hindi mo na mababaril ang mga kalaban na nagtatago.  


Explosive

COD Best ammo type Explosive
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Kakaiba ang explosive rounds sa mga sniper rifles tulad ng Signal 50 at Victus XMR. Ngunit kapag naka-equip sa Victus XMR, magiging one-shot headshot beast ito sa Warzone 2.0  

Sumasabog ang bullets kapag nakahawak ng kahit ano para magdagdag ng additional na damage range. Mawawalan ka ng kaunting bullet velocity, ngunit ang scope ng Victus XMR ay makakatulong para sa bullet drop, kaya ang kailangan mo lang gawin ay gamitin ang red dot.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.  

BASAHIN: Magkano ang Modern Warfare 3? Alamin dito