Opisyal nang ipinasilip ng Activision kung ano ang maaasahan sa Call of Duty Modern Warfare 2 Season 6, at talagang pinag-uusapan na ito ng fans.

Ibabalik ng update ang Zombie Royale mode, dagdag pa ang bagong Spawn operator, at hindi lang siya.



Mukhang ang Modern Warfare 2 Season 6 ang pinakamaganda para sa operators, tampok ang Spawn operator

Spawn Operator sa Modern Warfare 2 Season 6
Credit: Activision

Magsisimula bago ang October, ang buwan ng Halloween, ilalabas ang Season 6 sa ika-27 ng Setyembre sa lahat ng platform, ayon sa Activision.

Bukod sa bagong Spawn operator, may iba pang ipinakita sa anunsyo.

Pwedeng asahan ng fans na makita sina Inarius at Lilith mula sa Diablo franchise, Ash Williams mula sa Evil Dead, Alucard mula sa Hellsing manga, at ang matagal nang Masters of the Universe supervillain na si Skeletor.

The Haunting event sa Modern Warfare 2 Season 6
Credit: Activision

Malinaw na villains at spookier-looking characters ang pokus ngayon sa Season 6. Dahil na rin sa panahon ngayong taon, swak ang marketing sa kung ano ang gusto ng fans na ilabas at ipanglaban sa mga zombie at ibang kapwa players.

May mga skin din na nakahanda para sa mga bago at lumang operator.

Ang isa pang malaking content ay ang Season 6 event na The Haunting. Dito, ipapadala ang mga manlalaro para imbestigahan ang mga anomalya sa opisyal na pagsisimula ng Operation Nightmare sa ika-17 ng Oktubre.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang tips tungkol sa COD.

BASAHIN: Best attachments para sa recoil control sa Modern Warfare 2