Paiba-iba ang mga attachments ng mga tao sa Modern Warfare 2.

Sa halos bawat attachment ng Call of Duty ngayong taon ay nagpabagal sa aim down sight speed bilang tradeoff, giit ng ibang players na mas maganda ang performance ng mga weapons kapag mas kaonti ang attachments.

Ngunit kailangan pa rin ng ibang mga baril ng tulong sa pag-kontrol ng kanilang recoil. Hindi klaro kung ano ang best attachments na dapat gamitin dahil sa nakakalitong pros at cons na nakalista sa UI ng laro.

Sa halip ng isang single recoil control perk, nag-refer ang laro sa recoil stability, recoil steadiness, at recoil smoothness.

Ano ang pinagkaiba ng mga ito sa bawat isa? Basahin ang gabay na ito para malaman mo kung ano ang dapat mong piliing attachment.



Best attachments sa Modern Warfare 2: Recoil steadiness vs stabilization vs smoothness 

Recoil steadiness

COD Modern Warfare 2 Recoil Steadiness
Credit: TheXclusiveAce

Nakakatulong ang recoil steadiness sa pagbawas ng magnitude ng vertical at horizontal recoil, ayon sa testing na isinagawa ni TheXclusiveAce.

Ibig sabihin ay hindi malakas ang tsyansa mag-deviate ang recoil pattern mo habang pinapanatili niya na nasa isang tuwid na linya ang spray pattern.


Recoil stabilization 

COD Modern Warfare 2 Recoil Stabilization
Credit: TheXclusiveAce

Nakakabawas ang recoil stabilization ng side-to-side bounce para mas tuwid ang spray pattern mo. Ngunit hindi kasing-tiyak ang overall benefit sa recoil steadiness, kaya ang mga attachments na nagbibigay sa’yo nito ay ang mas mabuting desisyon.


Recoil smoothness

COD Modern Warfare 2 Recoil Smoothness
Credit: TheXclusiveAce

Isang bonus ang recoil smoothness na kilalang ginagamit kasama ang suppressor attachments. Hindi nito gaanong naiiba ang spray pattern at hindi rin ito nagbibigay ng kahit anong improvement sa visual recoil reduction.


Vertical recoil control 

COD Modern Warfare 2 Vertical Recoil
Credit: TheXclusiveAce

Ginagawa ng vertical recoil control ang kung ano man ang pangalan niya – binabawasan niya ang vertical kick ng baril mo sa pamamagitan ng pag-compress ng recoil pattern mula sa tuktok ng baril para hindi mo na kailangan hilahin pababa.

Dahil diyan, maaring hindi ito ang best fit para sa mga baril na may mataas na side-to-side sway.


Horizontal recoil control 

COD Modern Warfare 2 Horizontal Recoil
Credit: TheXclusiveAce

Nag-pokus ang horizontal recoil control sa paghila ng side-to-side bounce ng spray mo sa tuwing bumabaril ka, para mas tuwid ang iyong firing pattern.

Mainam gamitin ito para sa mga guns na may mataas na sway.


Recoil control

COD Modern Warfare 2 Recoil Control
Credit: TheXclusiveAce

Ang generic recoil bonus na ito ay may pagkakatulad sa recoil steadiness. Nahihila niya ang parehas na vertical at horizontal recoil, para mas mahuhulaan mo ang overall spray pattern ng baril at mas madaling I-kontrol.

Ibig sabihin ay mas mababang kick at sway, at mas madaling makatama sa maliit na target, tulad ng ulo ng kalaban sa isang bintana.
 
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang tips tungkol sa Modern Warfare 2.

BASAHIN: Best TAQ 56 loadout para wasakin ang mga Modern Warfare 2 lobbies