Matapos ang tagumpay nila Biffle at ng kanyang koponan sa World Series of Warzone 2023 Global Final, marami ang nagtatanong kung ano ang loadout niya.

Sa artikulong ito, ibabahagi namin ang kanyang Kastov 762 loadout na ipinakita niya sa isang YouTube video matapos ang kanilang panalo.



Ang Kastov 762 loadout ni Biffle na kailangan mong gamitin sa Warzone 2

Kastov762 loadout ni Biffle para sa WSOW 2023
Screenshot ni Steven Cropley/ONE Esports

Isa ang squad nila Biffle, Shifty, at Sage na lumapag sa London para sa WSOW noong nakaraang linggo lang. Iba’t-ibang manlalaro mula sa buong mundo ang sumali sa qualifiers at nakakuha ng kanilang puwesto sa pinakamalaking competitive Warzone tournament sa kasaysayan.

Ang koponan nila ay nagtala ng 218.2 points sa anim na mapang ilaro, at hinigitan ang pinakamalapit na kalaban, ang Team HisokaT24, nang halos 80 points.

Bagamat madalas na nasa ibang kamay ang Signal 50, ang artikulo na ito ay tungkol sa kung ano ang ginamit ng kapitan ng koponan. Kasama ng Kastov 762, gumamit din siya ng Lachmann Sub, isa pang sikat na weapon.

Sa ibaba, makikita niyo ang mga pinili niyang attachment para sa kanyang Kastov 762. Isa sa mga mapapansin niyo ang kanyang pasya na ipasok ang SZ Recharge-DX optic imbes na AIM OP-V4.

Kastov 762 loadout

SLOTATTACHMENT
OpticSZ Recharge-DX
MuzzleSakin Tread-40
BarrelKAS-10 584mm Barrel
UnderbarrelFTAC Ripper 56
Mag40 round mag


Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang tips tungkol sa Call Of Duty.

BASAHIN: Nagbabalik ang fan-favorite na Warzone 2 Zombie Royale sa Season 6 update