Magdiwang, mga BR mains! 

Nagbabalik ang tatay ng Call of Duty Mobile para ibigay sa atin ang hinihintay nating attachment loadout para sa sikat na Assault Rifle na AK-47.  

Best AK-47 loadout ni Blink Gaming

CODM Blink Gaming AK47 loadout
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Nilagyan ni Blink Gaming ng Monolithic Supressor ang Muzzle, OWC Ranger ang Barrel ang loadout niya. 

Nilagyan rin niya ito ng optic na Classic Red Dot Sight para sa mga taong nahihirapan itutok ang baril gamit ang iron sight niya.  

Ranger Foregrip naman ang Underbarrel nito at 5.45 Caliber Ammo sa Ammunition. 

Naka-pokus sa Control ang loadout attachments niya, pati na rin sa Accuracy para sigurado kang makakapatay ka kahit na nasa malayong pwesto ka sa kalaban.  

Mataas rin ang Range ng attachments niya, pati na rin ang Fire Rate na 58. Ang negatibong epekto lang ng attachment na ito ay bumaba ang Damage niya sa kalaban, ngunit kung mataas naman ang Accuracy mo bilang isang player, hindi ka masyadong mahihirapan sa mga attachments niya.  

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoDM.