May bagong Lucky Draw na naman sa Call of Duty Mobile, ang Bringer of the Light Draw. At tiyak na mauubos na naman ang pera mo kakabili ng COD Points nito.  

Bringer of the Light Draw 

Call of Duty Mobile Bringer of the Light Draw
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports Philippines

Baka maging isang melee main ka na, dahil kasama sa Bringer of the Light Draw ay isang panibagong melee – ang legendary Tang Knife – BAIYUEKUI. 

Isa ring panibagong Operator skin ang kasama ng Lucky Draw na ito, si Fan Di. Ang kaniyang payat na hugis ay tiyak na magiging sikat sa mga Call of Duty Mobile players, at maihahalintulad mo siya sa anyo ng isa pang sikat na Operator skin sa CODM – si Manta Ray.  

Mga iba pang mga prizes sa Bringer of the Light Draw ay ang Motorcycle – Morning Light skin, Molotov Cocktail – Morning Light, Cham ni Fan Di, Backpack 1 – Morning Light, Parachute – Morning Light, “Too Easy” emote, at ang CBR4 – Shadow Besides epic weapon blueprint.  

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Mag-top up na at mag-draw, malay mo, swertehin ka! 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty Mobile.