Sa mga espesyal na okasyon, naglalabas ang Activision ng mga bonust content para ma-enhance ng mga players ang kanilang gameplay experience sa Modern Warfare 3.

Mapa-libreng operator skins man ito, tulad ng Call of Duty x Monster Energy skin, weapon blueprints, charms, stickers, o XP tokens, kailangan mo mag-redeem ng code sa website ng laro para makuha ang mga libreng items na ‘to.



Step-by-step guide kung paano mag-redeem ng Call of Duty code sa MW3

Kapag nakatanggap ka na ng redemption code, sundin ang mga steps na ‘to para ma-claim ang iyong bonus item: 

  1. I-log in ang iyong Activision account sa Call of Duty website. 
  1. Pumunta sa Call of Duty code redemption page, callofduty.com/redeem. 
  1. Hanapin ang area para ilagay ang iyong code, ilagay ito, siguraduhing tama ang lahat ng characters tulad ng hyphens o capitalization. 
  1. Pindutin ang “REDEEM CODE” para makuha ang iyong reward. 

Kung valid ang Call of Duty code, makakatanggap ka ng isang confirmation message. 

Para sa mga platform-specific na content, maaring makatanggap ka ng isang secondary code para makuha ito sa PlayStation Store, Xbox Live Marketplace, Steam, o Battle.net. 

Kung makaka-enkwentro ka ng isang error message sa redemption, tignan ang accuracy, validity, at region compatibility ng iyong Call of Duty code. 

Kapag na-verify mo na ang lahat at nanatili pa rin ang isyu, i-kontak ang Activison Support para sa kanilang tulong. 

Call of Duty code
Credit: ONE Esports
KUNIN ITO: Call of Duty 5,000 Points – Xbox

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga storya tungkol sa COD. 

BASAHIN: Best RAM-9 loadout sa Modern Warfare 3 — kumpletong class setup