Alam mo ba ang magic number? 

Mula sa kanilang unang installment patungong Black Ops Cold War, isang FPS titan ang Call of Duty franchise sa gaming world.

Dahil sa paghandog nila ng isang thrilling gameplay sa loob ng halos na dalawang dekada, mapapatanong ka, “Ilang Call of Duty games ang meron?”

Ilang Call of Duty games ang meron sa main series? 

Mayroong 18 na inilabas na main titles ang CoD franchise. Ang paparating na installment, ang “Vanguard” ay ang magiging pang-19th na main game.

Sinukat ang mga games ayon sa setting ng laro at sa kaniyang lead developer.

Habang hindi isinama sa main series ang mga account remasters at ports, itinuturing isang reboot ng MW series ang Modern Warfare (2019). 

Ito ang isang table na nagsasaad kung ilang Call of Duty games ang meron. 

TITLE YEAR LEAD DEVELOPER SERIES 
Call of Duty 2003 Infinity Ward WWII 
Call of Duty 2 2005 Infinity Ward WWII 
Call of Duty 3 2006 Treyarch WWII 
CoD 4: Modern Warfare 2007 Infinity Ward MW 
World at War 2008 Treyarch Black Ops 
Modern Warfare 2 2009 Infinity Ward MW 
Black Ops 2010 Treyarch Black Ops 
Modern Warfare 3 2011 Infinity Ward and Sledgehammer Games MW 
Black Ops II 2012 Treyarch Black Ops 
Ghosts 2013 Infinity Ward Standalone 
Advanced Warfare 2014 Sledgehammer Games Standalone 
Black Ops III 2015 Treyarch Black Ops 
Infinite Warfare 2016 Infinity Ward Standalone 
WWII 2017 Sledgehammer Games WWII 
Black Ops 4 2018 Treyarch Black Ops 
Modern Warfare 2019 Infinity Ward MW 
Warzone 2020 Infinity Ward, Raven Software Battle royale 
Black Ops Cold War 2020 Treyarch, Raven Software Black Ops 
Vanguard Comes out on November 5, 2021 Sledgehammer Games WWII 
Ano ang susunod para sa Call of Duty franchise? 
Call of Duty
Credit: Activision

Matapos maglaro ng napakaraming Call of Duty games sa main series, dapat abangan ng mga diehard fans ang paglabas ng Vanguard sa November 5 na nagdadala ng franchise pabalik sa dating setting ng World War II.

Susundan ng laro ang Black Ops Cold War bilang partnered title ng battle royale game ng series na Warzone.

Makakatanggap din ng isang matinding update ang Warzone sa hugis ng bagong mapa kasabay ang paglabas ng Vanguard.

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights sa CoD.