Matapos ang ilang patikim sa Call of Duty Season 5 reveal, opisyal na inanunsyo ng Activision ang Call of Duty: Vanguard bilang pinakabagong entry sa FPS franchise.
Bagama’t wala pang detalye na ibinibigay, nasulyapan ng COD community ang setting ng Vanguard sa official teaser trailer nito.
Mga detalyeng nakita sa Call of Duty: Vanguard teaser
Ipinakita sa teaser ang iba’t ibang warring fronts sa isang World War II backdrop. May makikitang mga karatulang may nakasulat na “Achtung!” na ang ibig sabihin ay “Attention!” sa wikang German, at mga WWII weapons tulad ng German stick hand grenade at Soviet Mosin-Nagant sniper rifle.
Matapos ipakita ang iba’t ibang lokasyon, ipinakilala rin sa video ang apat na bagong operators sa bibida sa Vanguard. Naglagay din ang mga developers ng artifacts sa bawat eksena tulad ng artillery shells at airplanes na nagbibigay ng ideya ng kanilang mga specific roles.
Mas makikita nang mabuti ang mga operators sa official Call of Duty: Vanguard splash artwork.
Paano mapapanood ang Vanguard worldwide reveal sa Warzone
Sa dulo ng teaser, kinumpirma ng Activision na ang worldwide reveal trailer ng Call of Duty: Vanguard ay magaganap sa Warzone.
Schedule ng Vanguard reveal at ng Battle of Verdansk event
Mapapanood ng mga players ang reveal sa pamamagitan ng pagsali sa featured event na “Battle of Verdansk”, na nakatakdang mag live sa August 20, 1:30 a.m. GMT+8.
Tungkol naman sa gameplay ng event, nakasaad sa isang official Call of Duty tweet na magtutulong-tulong ang mga squads upang itumba ang bagong armored vehicle na papasok sa Verdansk.
Kung naghahanap ka ng warm up bago ang laban, magdadagdag ang Warzone ng limited-time Double XP, Double Weapon XP, at Double Battle Pass XP event na gaganapin sa August 20, 12:30 a.m. hanggang 1:29 a.m. GMT+8.
Para sa iba pang impormasyon, basahin ang kanilang official reveal blog post.