Tama na ang timpla ng Call of Duty: Warzone meta pagdating sa mga baril, ngunit patuloy pa ring sinusorpresa ng Raven Software ang playerbase gamit ang mga bagong top tier picks.

Sa Season 5 update noong August 16, naglagay ang mga developer ng matinding bullet velocity buff sa Fennec na naging dahilan para maging all-time next best SMG ito kasunod ng MAC-10 at MP5.

Bakit Fennec ang pinakamalakas na SMG sa Call of Duty: Warzone Season 5?

Ipinaliwanag ng sikat na streamer ng FaZe Clan na si Kris “Swagg” Lamberson kung paano nakakatulong sa pagpuksa ng mga kalaban ang 13.4% increase sa bullet velocity sa kanyang Fennec loadout.

Pinakita ni Swagg ang lightning-fast sprays ng kanyang SMG sa isang mabilis na duel sa Bloc 6 gas station. Winasak ng Fennec ang lahat ng armor plates ng kanyang katunggali at pinabagsak ito sa isang iglap. 

Dala ang kapares ng kanyang overpowered SMG na Krig 6 assault rifle, nakakuha ang 25-year-old content creator ng solo Warzone victory na may 43 kills at 12,124 damage.

Mga detalye ng Fennec loadout ni Swagg sa Call of Duty: Warzone

Isinalpak ni Swagg ang ZLR 16″ Apex barrel para ma-maximize ang bullet velocity ng kanyang Fennec loadout. Maganda rin itong kapares ng Monolithic Surpressor dahil pareho nilang pinapahaba ang damage range ng naturang baril.

Nabanggit din ng streamer na No Stock ang pinaka-difference maker pagdating sa mga close range duel dahil sa 30% increase nito sa sprint to fire time.

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Narito ang mga detalye ng Fennec loadout ni Swagg sa Call of Duty: Warzone:

SLOTSATTACHMENTS
MuzzleMonolithic Suppressor
BarrelZLR “16 Apex
StockNo Stock
Ammunition40 Round Drum Mags
PerkSleight of Hand

Para sa mas ma malalim pang mga detalye sa Fennec loadout ni Swagg, pwede itong makita sa kanyang video sa ibaba:

Ang orihinal na article ay makikita dito.