Muling nagbabalik sa Call of Duty: Warzone Season 4 Reloaded ang mga misteryosong red doors.
Tampok sa mga Red Doors sa Warzone sina Adler at Stitch
Nabanggit sa official Reloaded patch notes ang pagbabalik ng mga ito, matatagpuan ang mga red doors sa parehong pwesto noong Season 4.
Kung dati ay dadalhin ka lamang ng mga pintong ito sa mga stations na may rare supply boxes, ang bagong pinto ay may kasama nang bagong audio cues at supply boxes.
Pag pumasok ka ng pinto, maririnig mo si Adler na magsasabing hanapin mo ang “intel”. Bukod sa instructions, makakakita ka rin ng bagong supply box na may mga numero.
May mga pagkakataon din na ang Perseus agent na si Stitch ang babati sa’yo sa station. Kapag nangyari ito, mag-ingat sa supply box na crossed out, dahil magpapakawala ito ng deadly gas pag binuksan.
Bagamat wala pang masyadong sinasabi ang Activision tungkol dito, mukhang gagamitin ng mga developers ang mga red doors upang maisakatuparan ang masamang plano ni Stitch.
Dahil sa paglabas ng mga supply boxes na may numero, hindi malayong magkaroon ng isang limited-time event kung saan maghahanap ang mga operators ng mga specific codes sa bawat station.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bagong red doors, panoorin ang paliwanag ni Mr. Fishy McFish sa video: