Nagbago na ang labanan ngayon sa Verdansk mula nang lumabas ang Combat Scout, isang intel perkl na nagha-highlight at nagpi-ping ng kalaban kapag nabawasan mo sila.

Samahan pa ng ibang intel items tulad ng UAV at Heartbeat Sensor, talaga namang magiging mas mahirap ang aspeto ng stealth sa battle royale.

Ang Cold-Blooded ang pangontra sa Combat Scout sa Call of Duty Warzone

Para hindi masyadong maging malakas ang Combat Scout sa Season 5, binigyan ng Raven Software ng matinding buff ang hindi masyadong pinapansin na Cold-Blooded perk.

Cold-Blooded – Slot 1 (Blue)

  • Undetectable ng AI targeting systems at thermal optics. Hindi nagti-trigger ng High Alert warning at hindi naapektuhan ng Combat Scout.
  • Ang mga pagbabago ay applicable lamang sa Warzone.

Itinuturing nang isang malakas na stealth perk ang Cold-Blooded na kaya kang panatilihing undetected sa mga firefights. Kahit pa ma-wallbang ng kalabang may Combat Scout ang iyong pinagtataguan, maaari kang mag-reload, plate up, at gumanti dahil wala silang makukuhang visual intel sa’yo.

Isa pang meta perk na magandang ipares sa Cold-Blooded ay ang Ghost, kung saan hindi ka made-detect ng mga UAVs, Heartbeat Sensors, at Radar Drones.

Pag naka-equip ang dalawang perks na ito, mas maliit ang tsansang makasalubong ka ng mga aggressive operators, at magbibigay sa’yo ng kalamangan sa pagliit ng mapa.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang official Call of Duty: Warzone Season 5 patch notes.