Bubulabugin ng Activision ang meta sa pagdating ng malaking content update para sa Call of Duty Warzone.
Hinango ang mechanics ng battle royale mula sa Call of Duty Modern Warfare, pero iba ang Warzone Season 5 dahil sa paglabas ng mga unang perks na ginawa exclusive para sa Verdansk: ang Combat Scout at Tempered.
Mahusay na intel perk ang Combat Scout sa Call of Duty Warzone Season 5

Magandang perk ang Combat Scout dahil iha-highlight nito ang mga kalaban kapag tinamaan mo. Ipi-ping din nito ang mga targets para sa’yong mga kakampi.
Katulad ng Tracker intel perk na nagha-highlight ng enemy footprints, nakakatulong ang Combat Scout sa mga proactive players na makalapit para sa mga mabilisang engagements. Kung ang kalaban ay nagtatago sa likod ng isang penetrable na cover at gusto mong patagusan ng bala, makikita sa Combat Scout kung tinatamaan mo sila.
Magandang gamitin ang Combat Scout sa solo, pero mas maganda ito sa pag-initiate ng squad flanks at pag-set up ng crossfires.
Malaking dagdag sa depensa ang Tempered

Sa dami ng mga weapons na na-nerf sa Season 4, malaking bagay ang pagdating ng Tempered upang ituon ng players ang atensyon sa depensa at proteksyon.
Ang Tempered ay isang defensive perk na babago ng armor values sa Warzone. Imbi na tatlong armor plates na may 50 points bawat isa, ang mga players na may Tempered effect ay may kakayahang mag-equip ng dalawang armor plates na may 75 points bawat isa.
Kahit na pareho lang ang points, nababawasan ng Tempered ang plating time ng mga operators at maaari silang mag-reengage gamit lamang ang isang armor plate.
Dahil sa mas matitibay na armor plates, mas hahaba at mas committed ang mga firefights sa Warzone Season 5. Asahan din na hindi na basta-basta hahabol ang mga players sa kalaban nang walang kasamang backup.
Kung binabalak mong idagdag sa iyong loadout ang Tempered, gagamitin nito ang iyong Perk 2 slot, na pinaglalagyan ng ibang top picks gaya ng Ghost at Overkill.
Ang Call of Duty Season 5 ay nagsimula noong August 12.
Para sa karagdagang impormasyon, basahion ang official Call of Duty Warzone Season 5 blog post.