Naglabas na ng kauna-unahang legendary blueprint ang Call of Duty Mobile Season 3 para sa MAC-10, ang pinakabagong submachine gun sa mobile FPS game. 

Ang MAC-10 ang may pinakamabilis na fire rate at mobility sa mga SMGs ng CoDM, at perpekto itong gamitin para sa mga malalapitang bakbakan. Maaring sabihin na ito ay isang kapalit ng isa pang sikat na SMG, ang Fennec, lalong-lalo na sa Battle Royale mode. 

Crossover Draw sa Call of Duty Mobile Season 3 

CODM Crossover Draw
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports Philippines

Maari nang bilhin ng mga CODM players ang bagong legendary MAC-10 blueprint sa Crossover Draw. Kasabay sa mala-retro theme ng Season 3 na Radical Raid, ang Crossover Draw ay may boombox design, isang sikat na tema sa hip-hop na kultura noong 80s. 

Ang bida ng Crossover Draw ay ang MAC-10 – Atomic Star, ang legendary skin ng baril na para sa mga players na agresibo maglaro. Ngunit isa itong marangyang disenyo, wala itong kasamang mga kill combos. 

CODM Crossover Draw Artery
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports Philippines

Ito ang listahan ng lahat ng items na makukuha mo sa Crossover Draw sa Season 3 ng Call of Duty Mobile: 

  • Spray- Sweet Beats 
  • Baseball Bat- Roller Star 
  • Calling Card- Roller Fest 
  • Rally Car- Roller Star 
  • KN-44- Roller Star 
  • Backpack- Boombox 
  • Cluster Grenade- Roller Star 
  • Emote- Groovin’ 
  • Artery- Jammer 
  • MAC-10- Atomic Star 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at gabay tungkol sa CoDM.