Panalo ang team ng streamer na si Kris “Swagg” Lamberson sa Twitch Rivals Call of Duty: Warzone Showdown NA.
Kasama ang kanyang Nuke Squad clan mates na sina Ean “Booya” Chase at Diaz “Biffle”, sinuong ng Teasm Swagg ang limang private lobby matches na puno ng mga pinakamahuhusay na Warzone players sa North America.
Si Biffle ang nagdala sa unang match ng Warzone Showdown NA
Maganda ang naging simula ng Team Swagg, ang bawat player ay nakakakuha ng kills.
Nagkaroon ng konting problema ang trio sa pagpasok ng final circle, kung saan napitas ang team captain at si Booya sa sagutan ng putok.
Bilang natitirang manlalaro, pinataas ni Biffle ang kanilang score sa mga solid pick nya sa Torsk Bloc diner upang magtapos sa eighth place para sa 1.3x point multiplier sa score nilang 16 kills.
Nakakuha si Booya ng 11 kills sa match four
Sa kabila ng hirap ng mga sumunod na laban, may winning mindset si Swagg at ang kanyang crew sa p[agpasok ng match four.
Sa pagliit ng mapa patungo sa Novi Grazna Hills, si Booya ang nagsilbing tagalinis ng team sa perimeter. Suportado naman sya nina Biffle at Swagg bilang mga bantay ng sharpshooter.
Nang mapilitang lumabas sa kanilang pinagtataguan ang mga kalaban dahil sa pagliit ng circle, isa-isang pinitas ni Booya ang mga ito sa open field na nagbigay sa kanila ng Warzone victory.
Dahil sa 11 points na ambag ni Booya sa score ng Team Swagg na 25 at ang first place 2x multiplier, umangat sa tuktok standings ang team na may score na 50 points.
Dalawang magkasunod na panalo ang nakuha ng Team Swagg laban kay TeeP
Ang huling match ng Warzzone Showdown NA ay naging karera ng puntos sa pagitan ng Team Swagg at ng trio ni Tyler “TeeP” Polchow.
Dikit ang laban ng dalawang squads sa standings. Sa kabila ng kalamangan ni Teep sa unang half ng tournament, nakakuha ng sapat na points ang Team Swagg sa match four upang malampasan nang kaunti ang squad ni TeeP.

Sa ikalima at huling match, nagkaroon ng three-way duel sa pagitan nina Booya, TeeP, at isang solo operator.
Kahit na nakakuha ng maraming points si TeeP dahil sa kaliwa’t kanan nitong kills, alam ni Booya na ang first place multiplier ang magpapanalo sa Team Swagg sa Warzone Showdown NA.
Nang maasinta na ni TeeP ang ikatlong operator, nasilip naman ni Booya si TeeP sa bridge at pinaulanan ng bala upang kunin ang kanilang ikalawang Warzone victory.
Sa final scoreboard, nagtapos ang Team Swagg na may 104.4 points, lamang ng 3.6 points laban sa Team TeeP. Sa panalong ito, nag-uwi ang squad ni Swagg ng US$15,000.
Mapapanood ang reaksyon ni Swagg sa final Warzone Showdown standings sa ibaba: