Bumida ang streamer na si Tyler “TeeP” Polchow sa Twitch Rivals Call of Duty: Warzone Showdown NA matapos ang malupit na highlight kung saan pumatay siya ng limang players sa loob ng isang minuto.

Ang highlight play ni TeeP sa Twitch Rivals Call of Duty: Warzone Showdown NA

Point of View ni TeeP sa Twitch Rivals Call of Duty: Warzone
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Sa do-or-die na laban, nag-killing spree sa loob ng 60 segundo ang streamer sa grounds ng Verdansk International Airport.

Hindi siya natakot makipagbarilan sa mga kalaban kahit siya na lang ang survivor mula sa kanyang squad. Sinimulan niya ang highlight pagkalabas mula sa isang apartment building kung saan siya ay naka-double kill habang pinauulanan ng bala.

Na-score ni TeeP ang ikatlo niyang kill sa may car dealership. 11 bala na lang ang natira sa kanyang OTs 9 submachine gun pero nakuha niya pa ring i-down ang isang kalabang operator sa isang pintuan.

Kahit isang armor plate na lang ang meron siya, pinalagan ng streamer ang isang kalabang nais paghigantihan ang namatay niyang kakampi para makapagtala ng team wipe.

Para sa ikalima at huli niyang kill sa Call of Duty: Warzone Showdown NA, natagpuan ni TeeP ang kanyang sarili sa isang three-way standoff kontra Ean “Booya” Chase at isa pang solo operator. Napilitan siyang pumasok sa final circle kung saan binatuhan niya ng stun grenade ang mga natitirang kalaban.

Napitas niya ang operator para makuha ang ikalimang kill bago ma-eliminate ni Booya.

Dahil sa kanyang pinamalas na husay, nakapagtapos sa ikalawang puwesto ang koponan ni TeeP at nag-uwi rin sila ng US$12,000 na cash prize mula sa Call of Duty: Warzone Showdown NA.