Ipinakita ng streamer na si Kris “Swagg” Lamberson ang kanyang bagong Kilo 141 class na kayang umubos ng isang squad sa Call of Duty: Warzone.

Bagamat nasasapawan ng ibang mas malalakas na assault rifles tulad ng FARA 83, binago ng streamer ang build ng Kilo 141 sa pagdagdag ng exclusive 100 round magazine attachement.

Mga detalye ng Kilo 141 class ni Swagg sa Call of Duty: Warzone

Kayang-kaya makipagsabayan kahit na pangmalayuan ng Kilo 141 class ni Swagg.

Ang 100 rounds ang pinakatampok ng build na ‘to. Dahil halos doble ng regular size ang clip nito, ipinakita ni Swagg na makakakuha ka ng multiple kills nang hindi iniintindi ang pagre-reload.

Para naman sa ibang attachments, gumamit din ang streamer ng Monolithic Suppressor at Singuard Arms 19.8″ Prowler Barrel para ma-maximize ang damage range ng baril.

Ang downside lang ng Kilo 141 ay talagang aasa ka sa ammunition. DAhil dalawa lang ang reloads nito, napansin ni Swagg na mabilis nauubos ang kanyang resources.

Para masolusyunan ang problema sa ammo, madalas nyang ipinapalit ang kanyang MP5 sidearm para sa mga malapitan na laban.

Sa video, nanguna ang FaZe streamer sa leaderboard ng nanalo nyang squad, na may 35 kills at 13,068 total damage.

CallOfDuty Warzone Swagg Kilo141 classdetails
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Narito ang mga detalye ng Kilo 141 class sa Call of Duty: Warzone

  • Muzzle: Monolithic Suppressor
  • Barrel: Singuard Arms 19.8″ Prowler
  • Optic: Corp Combat Holo Sight
  • Underbarrel: Commando Foregrip
  • Ammunition: 100 Round Drums

Para makita ang Kilo 141 sa laban, panoorin ang buong video ni Swagg sa ibaba: