Sumali si Dante “FaZe Santana” Santana sa stream ni Kris “ FaZe Swagg” Lamberson para patamain ang pinakamalupit na Kar98k trick shot sa Call of Duty: Warzone.

Sinusubukan sana ni Swagg na i-celebrate ang kanyang ika-100,000 na kill gamit ang simpleng 360-degree quick scope. Matapos ang ilang subok at pang-aasar mula sa mga ka-Nuke Squad niya, pinasubok ng streamer ang trick shotsa kanyang kampi.
Ang malupit na mid-air trick shot ni Santana sa Call of Duty: Warzone
Para ma-secure ang milestone shot, nag-solos match ang streamer at nag-camp sa may Downtown. Nabigyan siya nito ng magandang sightlines sa karatig na rooftops, pati mabilis na pagbalik sa vantage point matapos mag-parachute pababa.
Nakahanap siya ng isang target na nagpa-parachute pababa sa may baba ng rooftop gamit ang kanyang heartbeat sensor.
Nang walang pag-aalinlangan, minarkahan ni FaZe Santana ang kalaban, umikot nang 360 degrees, at bumaril ng headshot mula 114 metro na layo, upang tuldukan ang stream ng kanyang squadmate.

Maaaring mapanood ang iba pang Call of Duty: Warzone streams nina Swagg at Santana sa kanilang opisyal na Twitch channels.