Kamakailan lamang ay nagpakitang gilas ang streamer na si Tyler “TeeP” Polchow sa kaniyang PPSh 41 class na lalong nagpatayog sa class na ito para tawaging best submachine gun loadout sa Call of Duty: Warzone.
Mga detalye ng PPSh 41 class ni TeeP sa Call of Duty: Warzone
Ginagamit ni Teep ang PPSh 41 bilang mobile close-range weapon na nagbibigay sa kaniya ng kalamangan sa palitan ng putok. Bagamat hindi kasing popular kumpara sa MAC 10, binaggit ng streamer na mas maganda ang stats ng PPSh 41.
Kung titignan ang attachments, ang tampok na upgrade sa lahat ay ang 15.7″ Task Force Barrel na nagpapataas ng damage output, effective damage range at bullet velocity.
Kahit pa lugi sa range ang PPSh kung ikukumpara sa rifle, pinaparisan ni TeeP ang SMG ng mas asintadong C58 AR para sa long range shots.
Sa video na ito, naselyo ng Envy streamer ang solo victory gamit ang PPSh 41 kung saan naglista siya ng tumataginting na 40 kills at total damage output na 10,113.
Heto ang iba pang mga detalye ng PPSh 41 class sa Call of Duty: Warzone
- Muzzle: GRU Suppressor
- Barrel: 15.7″ Task Force Barrel
- Body: Tiger Team Flashlight
- Ammunition: 55 Rnd Drum
Kung gusto mong gusto mong makita kung paano tinupok ni TeeP ang humigit kumulang sa 1/3 ng lobby gamit ang PPSh 41, panoorin ang opisyal na video rito: