Isang linggo pa lang mula noong magsimula ang Call of Duty: Warzone Season 5, pero na-master ng streamer na si Ean “Booya” Chase ang gun meta sa kanyang killer EM2 loadout.

Ang EM2 ang pinakabagong assault rifle sa weapon roster ng Warzone, na pwedeng ma-unlock ng libre sa Tier 15 ng Season 5 Battle Pass.

Mga detalye ng Season 5 EM2 loadout ni Booya sa Call of Duty: Warzone

Gamit ni Booya ang Geomatik reactive blueprint ng EM2 na may konting attachment modifications.

Isa sa mga major attachments ay ang 25.8” Task Force barrel, na nakakadagdag ng damage, damage range, at bullet velocity. Kasama ng suppressor, kayang bumaril ng AR nang malayuan na walang visible muzzle flash.

Imbis na gamitin ang built-in optics ng baril, pinalitan ito ni Booya ng Axial Arms 3x scope para sa mas magandang coverage ng medium to long distance encounters.

Sa layo ng range na abot ng fully automatic AR, siguradong malakas ang recoil nito. Pero nasolusyunan ito ng streamer sa pamamagitan ng paglalagay ng Field Agent Grip.

Sa video, ipinakita ni Booya kung gaano kalakas ang Combat Scout perk kasama ng EM2 loadout. Nang ma-trigger na nya ang Combat Scout highlight, madaling natunton ng streamer ang mga kalaban para paulanan ng bala at itumba.

CallOfDuty Warzone Booya EM2 loadout details
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Narito ang mga detalye ng EM2 loadout sa Call of Duty: Warzone:

  • Muzzle: Suppressor
  • Barrel: 25.8″ Task Force
  • Optic: Axial Arms 3x
  • Underbarrel: Field Agent Grip
  • Ammunition: 40 Rnd

Para makita kung paano gamitin ni Booya ang EM2 loadout, panoorin ang kanyang gameplay video.