Nagtapos na ang Electronic Sports and Gaming Summit (ESGS) noong Oktubre 28 hanggang 30 sa SMX Convention Center sa Pasay City. Ngunit hindi pa rin kami maka-get over sa aming naranasan sa ultimate gaming convention na ‘to! 

Balikan natin ang mga nakaka-enjoy na activities na isinagawa sa ESGS. At bilang isang Call of Duty Mobile player, silipin natin muli ang mga pakulo nila sa nakalipas na ESGS 2022.  

Ano nga ba ang mga pakulo ng CODM sa kanilang booth noong ESGS 2022? 

CODM ESGS 2022

Community Challenges 

Para mahikayat ang mga dumalo sa gaming convention na sumali sa mga events nila, nagkaroon ang CODM booth ng kanilang sariling community challenges.  

Nagsimula ito sa isang Random Draw na kung saan may tatlong pagkakataon ka lamang manalo para manalo ng…. in-game prizes! 

Ang mga napalang challenges na nakuha ko ay:  

1st draw: Pangalanin ang pangalan ng iyong paboritong battle pass at kung anong season ito nanggaling. 

2nd draw: Ibigay ang pangalan ng lahat ng mga CODMmunity moderators. 

3rd draw: Sumigaw ng “Get down, sniper!”  

Nanalo ako sa pangatlong challenge at nakatanggap ako ng libreng COD Points o CP at mga temporary skins.  

Themed Photo Area 

Para sa mala-CODM na photobooth na ito, pinahiram kami ng mga pekeng baril bilang props. At hindi ako nagbibiro kapag sinabi kong napakabigat ng mga ito!  

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CODM.