Tinesting kamakailan ng streamer na si Zack “ZLaner” Lane ang bagong C58 class sa Call of Duty: Warzone.

Na-nerf ang paborito niyang CR-56 AMAX kaya naman naghanap ang ‘controller god’ ng solidong pamalit sa long-range assault rifle.

Bagamat sikat ang FARA 83 dahil walang recoil, mas pinili ni ZLaner ang nasabing baril dahil sa pagkakapareho nito sa AMAX. Binansagan ito ng streamer na Cold War version ng AMAX dahil pareho ito ng recoil pattern.

Mga detalye ng C58 class ni ZLaner sa Call of Duty: Warzone

Ipinresenta ni ZLaner ang C58 class bilang damage-heavy AR na kayang pumatay nang kalaban sa malayuan.

Para naman sa mga attachments ng baril, nilagyan niya ng STANAG 55 Rnd magazine para mas mabilis maka-reload na parang may Sleight of Hand na perk. May dagdag 10 bala rin ang magazine kumpara sa AMAX, para sa mas mahabang spray.

May Airborne Elastic Wrap din na pinasak ang streamer para sa dagdag control, pero sinuggest niya rin ang Serpent Wrap kung mas kailangan ng mobility.

Sa kanyang video nagpakitang-gilas si ZLaner. Naka dalawang victory siya sa bagong Warzone AR at nag-average din ng higit 20 kills at 6,500 damage.

C58 class ni ZLaner
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Ito ang kumpletong detalye ng C58 class ni ZLaner sa Call of Duty: Warzone:

  • Muzzle: Agency Suppressor
  • Barrel: 18.7″ Ranger
  • Optic: Axial Arms 3x
  • Ammunition: STANAG 55 Rnd
  • Rear Grip: Airborne Elastic Wrap

Para makita ang C58 AR sa aksyon, panoorin ang opisyal na video ni ZLaner dito: