Magbabalik ang Foresight sa Call of Duty Warzone sa Season 3 Reloaded update nito.

Ipapaliwanag namin ang layunin ng magbabalik na feature na ‘to, at kung paano ito makuha sa laro.

Foresight sa Warzone Season 3 Reloaded ipinaliwanag

COD Warzone Foresight
Credit: Activision

Ang Foresight ay isang sikat na killstreak sa orihinal na Warzone sa Verdansk map. 

Kasabay ng Specialist Perk Package, magbabalik ito sa Season 3 Reloaded na eksklusibo sa Resurgence mode ng Rebirth Island map. 

Kapag na-activate ito, magkakaroon ka ng abilidad makita ang lokasyon ng bawat future gas circle sa match para ma-plano ng squad niyo ang inyong mga galaw. 

Kapag na-reveal ang future circles, maiiwasan mo ang mga kalaban at manatili sa safe zone, at makuha ang mga prime positions na may mainam na cover para makapaghanda para sa final circle. 

Paano makuha ang Foresight sa Warzone Rebirth Island

Ang killstreak na ito ay isang rare loot. Makukuha ito sa pamamagitan ng pag-access sa mga Supply Box, Weapon Lockers, o sa pagpulot nito sa lupa.

Hindi na kailangan gumawa ng mga specific na aksyon para makuha ito. Unavailable rin itong mabili sa mga buy station. 

Kaya siguraduhing ma-maximize niyo ang mga benefit ng killstreak na ‘to pag nakita niyo ito sa laro. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa CoD. 

BASAHIN: Ano ang Specialist Perk Package at paano ito makuha sa Warzone Rebirth Island