Nagbabalik ang Specialist Perk Package sa Warzone Season 3 Reloaded, at gagawin nitong mas dinamiko ang mga stratehiya sa naturang battle royale.

Heto ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa feature na ito, kabilang na ang gamit nito at kung paano ito makuha.

Ano ang Specialist Perk Package? 

COD Specialist Perk Package
Credit: Activision

Isang feature sa orihinal na Warzone, nagbabalik ang Specialist Perk Package sa Season 3 Reloaded sa Resurgence mode sa Rebirth Island. 

Kapag nakuha mo ang rare loot na ‘to, magkakaroon ka ng 29 perks sa laro, magiging isang “super soldier” ka na may kakayahang manakaw ang iba’t-ibang playstyles. 

Mga perks tulad ng Double Time, Quick Fix, at Tracker ay bibigyan ka ng pagkakataon maglaro nang agresibo, habang ang ibang mga abilities tulad ng Battle Hardened, E.O.D., at Cold-Blooded ay magpapatatag sa iyong depensa para mas tumagal laban sa mga bomba at scorestreaks ng kalaban. 

Magiging isang team-oriented ammo at equipment provider ka naman dahil sa Scavenger, Resupply, at Ghost habang nakatago sa radar ng kalaban. 

Paano makuha ang Specialist Perk Package?

Dahil malakas ito, isang rare dop ang Specialist Perk Package. 

Pwede mo itong mahanap sa mga Supply Crates tuwing Fire Sale.

Maari mo ring ipagpalit ang isang high-rarity weapon sa Weapon Trade Stations, isa pang feature sa Season 3 Reloaded, para makuha ito.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa COD. 

BASAHIN: Ilang Call of Duty games ang meron sa franchise?