Isang makasaysayang grand final comeback ang ipinakita ng Minnesota RØKKR sa 2021 Call of Duty League Stage 5 Major.
Bilang huling regular season event para sa 2021, layunion ng RØKKR na makuha ang kanilang unang Major victory ng taon.
At para sa grand final ng CDL 2021 Stage 5 Major, nakaharap nila para sa isang rematch ang kanilang karibal, ang Toronto Ultra.
Para makaganti sa kanilang 3-0 loss sa kamay ng RØKKR sa winner’s final, walang takot na sinugod ng Ultra ang best of nine series para kunin ang apat na sunod-sunod na game wins.
Pagdating sa championship point, naging do-or-die ang sitwasyon para sa underdog na Minnesota team.

Minnesota RØKKR tinodo ang game five laban sa Toronto Ultra
Sa pagpasok sa Miami para sa Search & Destroy, tinodo ng RØKKR squad ang opensa sa pag-engage sa mas madalas na firefights.
Nakuha rin nina Eli “Standy” Bentz at Preston “Priestahh” Greiner ang fifth round nang mapatay nila ang mga kalaban sa isang B site push.
Bagama’t natalo sila ng ilang rounds dahil sa mga maliliit na misplays, nakuha ng Minnesota RØKKR ang kanilang unang puntos sa isang clutch B site plant at isang mabilis na turnaround kill mula kay Standy.
Bantay sarado ang Hardpoint kay Standy
Matapos ang tatlong solidong panalo, handa na ang Minnesota RØKKR na ipagpatuloy ang miracle Call of Duty League comeback sa isang Apocalypse Hardpoint game.
Sa kabila ng malaking lamang ng Toronto Ultra, agresibong kinuha ng RØKKR quartet ang ilang Harpoints.
Ilang puntos bago maabot ang winning score na 250, nagsilbing harang sina Standy para sa mga kalaban sa Hardpoint sa Ruins. Kaliwa’t kanan ang pagpaslang nina Priestahh at Michael “MajorManiak” Szymaniak sa mga kalaban, habang matindi ang pagbabantay ni Standy sa Hardpoint para makuha ang tie.
RØKKR tinanghal na ultimate comeback kings sa kasaysayan ng Call of Duty League
Sa final game ay nagbalik ang dalawang teams sa Raid para sa isa na namang S&D battle. Palitan ng rounds ang magkabilang teams, pero kumuha ng lamang ang RØKKR sa pamamagitan ng isang mabilisang A site plant sa round eight.
Paubos na ang oras, kaya’t sinubukan ng Toronto Ultra ang lahat nang kanilang makakaya upang ubusin ang kalaban. Ngunit nakuha ni Standy na magtago paikot ng isang plant box para ubusin ang oras, at nakuha pa nga nyang mapatay si Cameron “Cammy” McKilligan.
Nagkaroon ng 2v1 situation sa final round para sa Minnesota RØKKR.
Pinantay ng Toronto Ultra last player na si Tobias “CleanX” Juul Jønsson ang laban nang maitumba nya si Priestahh, subalit nakahanap ng magandang anggulo si Dillon “Attach” Price para paulanan sya ng bala at kumpletuhin ang CDL 2021 Stage 5 Major comeback.
Sa pagkakapanalo sa CDL 2021 Stage 5 Major, nag-uwi ang Minnesota RØKKR ng cash prize na USD$200,000 at 75 CDL points, nakuha rin nila ang sixth seed para sa 2021 Call of Duty League Championship.

Nang tanungin tungkol sa kanilang nakakabilib na comeback, pinuri ng CDL 2021 Stage 5 Major Player of the Stage na si Standy ang kanyang coach at mga teammates.
“We have a little rule called “TCT”, which is trust, communication, and teamwork,” sabi ni Standy. “I had full hope and trust. I believed in my teammates and myself, and we did it.”
Haharapin ng Minnesota RØKKR ang Dallas Empire sa 2021 Call of Duty League Championship sa August 20, 3 a.m. GMT+8.