Kung naghahanap ka ng bagong assault rifle sa Modern Warfare 2, dapat mong subukan ang bagong TR 76 Geist.
Kung interesado ka, nandito ang Call of Duty expert na si Hero sa YouTube para gabayan ka. Nagbahagi siya ng isang video para ipakita ang kanyang best TR 76 Geist loadout.
- Best Bryson 800 loadout sa Modern Warfare 2 – matinding one-shot build!
- Best M16 loadout sa Modern Warfare 2 – hindi ka matatalo dito!
Best TR 76 Geist loadout para manalo sa Modern Warfare 2

Sinimulan ni Hero ang kaniyang loadout gamit ang TY-LR8 muzzle. Naghahatid ang muzzle na ito ng mas mataas na horizontal recoil control para manatili ang accuracy kapag bumabaril.
Para sa laser, pinili niya ang 1MW Quick Fire laser dahil sa kaniyang mas mabilis na aim-down-sight speed at dahil wala itong visible laser.
Nilagyan naman niya ito ng Edge-47 grip para sa underbarrel slot dahil magbibigay ito ng aiming idle stability at recoil stabilization.
Dahil hindi siya malaking fan ng iron sight ng TR 76 Geist, nilagyan niya ito ng Slimline Pro para sa precision sight picture na hinahatid nito.
Nilagyan niya rin ito ng 45-round mag para masiguradong may sapat na bala ito para makakuha ng multikills.
Best TR 76 Geist loadout ni Hero
| SLOT | ATTACHMENT | TUNING (VERTICAL, HORIZONTAL) |
| Muzzle | TY-LR8 | +0.41, +0.25 |
| Laser | 1MW Quick Fire Laser | -0.24, -29.61 |
| Underbarrel | Edge-47 Grip | +0.52, +0.22 |
| Optic | Slimline Pro | -2.03, -2.25 |
| Mag | 45 Round Mag | N/A |
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang gabay tungkol sa Call of Duty.
BASAHIN: Paano makuha ang Skeletor operator sa Modern Warfare 2 at Warzone 2