Kung sawa ka na sa mga standard SMG build sa Warzone tulad ng sa MAC 10, may bagong MP7 loadout ang streamer na si Zack “ZLaner” Lane na malakas at bagay na bagay sa close-quarters combat.

Bagama’t wala sa meta ang MP7 nitong mga nakaraang seasons, binanggit ng streamer na mala-laser beam ang accuracy ng submachine gun na ito dahil sa sobrang minimal ng recoil.

Mga detalye ng MP7 SMG build sa Warzone ni ZLaner

Sinigurado ni ZLaner na kayang makipagsabayan sa moving battles ng kanyang MP7 loadout, dahil ito sa Commando Foregrip at FSS RECON barrel.

Kung ilalagay ang Commando Foregrip sa SMG, makakabawas ito ng movement speed. Kung kaya’t nilagyan ni ZLaner ng No Stock ang MP7 upang mapataas ang Sprint to Fire speed, para mas mabilis na spray sa mga duels.

Kung gusto mo namang pataasin ang iyong aim-down sights speed, nirerekumenda ng streamer na palitan ang No Stock ng Tac Laser.

Sa video, nakasungkit ng clutch Warzoine victory si ZLaner gamit ang MP7, kung saan nakakuha sya ng total na 29 kills at 8,754 damage.

CallOfDuty Warzone MP7 class ZLaner details
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Narito ang mga detalye ng MP7 loadout sa Call of Duty Warzone:

  • Muzzle: Monolithic Suppressor
  • Barrel: FSS RECON
  • Stock: No Stock
  • Underbarrel: Commando Foregrip
  • Ammunition: 60 Round Mags

Para makita ang sa aktwal na aksyon ang MP7 loadout, panoorin ang buong video ni ZLaner.