Maglalabas na ang Call of Duty Mobile ng isang mythic blueprint para sa isa sa pinakaunang baril nila, ang assault rifle na AK-47. Maraming players ang sabik na makita ito, dahil sa kaniyang napakagandang iron sight at iba pa. 

BobbyPlays, nag-react sa gameplay video ng LeakersOnDuty gamit ang mythic AK-47 

Siyempre, hindi magpapahuli ang iconic CODM streamer na si BobbyPlays sa bagong mythic gun na ‘to.  

Naglabas siya ng isang reacting video sa kaniyang Bobby Reacts YouTube channel, kung saan pinanood niya ang mythic AK-47 in action sa isang Multiplayer match. 

Una pa lang, nagandahan na si BobbyPlays sa itsura ng blueprint na ‘to, at inilarawan niya ito bilang isang “Pay to Win” na baril dahil magkakaroon ka ng advantage dahil sa kaniyang built-in red dot sight.  

Napansin rin niya na nagiiwan ng mga bakas ng ilaw ang baril sa kalaban na na-damage ng may gamit ng mythic gun, dagdag pa sa nagiibang kulay ng baril habang ginagamit. 

Panoorin ang buong reaksyon ni BobbyPlays sa kaniyang YouTube video dito: 

Talagang nakakamangha ang mythic blueprint na ‘to, lalo na sa mga Battle Royale mains na hindi nawawalan ng AK-47 sa kanilang mga arsenal. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CODM.