Kamakailan lamang ay naglabas ng video ang streamer na si Nicholas “NICKMERCS” Kolcheff  kuing saan ibinahagi niya ang ilang mga improvements na nais niyang makita sa Call of Duty: warzone.

Isa sa mga punto na binigyang diin ng streamer sa nasabing video ay ang pangangailan ng bagong mapa na mapaglalaruan bukod sa Verdansk.Dahil ang Verdansk ang go-to-map simula pa noong mailabas ang laro, binanggit ni NICKMERCS.


Bakit gusto ni NICKMERCS ng bagong mapa liban sa Verdansk

Credit: Activision Blizzard

Malaki ang naiambag ng Verdansk’84 sa Season 3 update kung saan ipinakita ng mga developers ang retro aesthetic ng mapa gayundin ang mga bagong lokasyon dito.

Palagay ni NICKMERCS, solido ang ginawang revamp na ito ng mga developers. Binanggit pa nga niya na ang Downtown Plaza ang isa sa mga pinaka-astig na pagbabago rito.

Iba naman ang naging atake sa Season 4 kung saan ipinakilala ang teleporting Red Doors at satellite crash sites bilang gameplay-centric na adisyon. Gayunpaman, banggit ng streamer ay pareho lamang ang pakiramdam nito sa mapa dati.

 “We need a change from Verdansk,” ani ni NICKMERCS. “I think it was a swing and a miss.”

May Rebirth Island din na mapa

Credit: Activision

Maaaring piliin ng mga players na mag-drop sa Rebirth Island, isang mas maliit na map ana nagpasikat ng Resurgence game mode.

Binibigyan ng pagkakataon ng Rebirth Island na magkaroon ng mas maraming aksyon sa pagitan ng mga manlalaro, ngunit kulang ang espasyo nito para maranasan ang awtentik na pakiramdam ng battle royale.

Tungkol sa mga nais niyang makita kung maglalabas man ng bagong mapa, sinabi ni NICKMERCS na gusto niya ng malalaking pagbabago. “I want an island theme, with beaches, oceans, palm trees, and jungles. That’s what I want,” banggit ng streamer.

Panoorin ang mga saloobin ni NICKMERCS sa video na ito: