Isang malupet na pwersa ang streamer na si Nicholas “NICKMERCS” Kolcheff sa streaming world. Dahil sa kaniyang lumalaking MFAM fanbase at mga collaborations kasama ang mga prominenteng streamers, palaging may tsyansa na magkakaroon ang FaZe Clan co-owner na ito ng mga bagong malaking proyekto.

Sa isang video, tinanong ni Kris “Swagg” Lamberson si NICKMERCS kung gusto niya ba sumali sa Nuke Squad bilang isang honorary member, at magugulat ka sa kaniyang reaksyon.

Nag-invest si NICKMERCS sa streamer group ng FaZe Clan na Nuke Squad

NICKMERCS with Nuke Squad
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Dahil isa nang honorary member si Timothy “TimTheTatman” Betar, naghahanap si Swagg at ang tropa ng isa pang malaking pangalan sa kanilang clan tag.

Matapos magkumustahan backstage sa MFAM barbeque, sinubukan nina Swagg at Jordan “JSmooth” Cox kunin si NICK, ngunit nagbunyang ng mas maraming katotohanan ang kaniyang sagot.

“I’ve been in Nuke Squad as an honorary member. That’s a weird question,” sabi ni NICKMERCS.

NICKMERCS with Nuke Squad
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Inassume ni JSmooth na nasa ilalim ng clan tag ang bigtime streamer na ito noong unang panahon ng squad, ngunit matapos ang masusing paguusap, ipinaliwanag ni NICK na parte pala siya ng buong enterprise simula noong ito’y nabuo.

“Tim can play with his little clan tag, but I’m an investor,” kinumpirma ng FaZe Clan co-owner.

Minsan mang nagkakasalubong ang dalawang parties na ito sa ilalim ng FaZe Clan banner, ngunit ngayon alam na natin na isa pala si NICKMERCS sa mga bigating pangalan sa likod ng sikat na Call of Duty Warzone crew na ito.

Maari mong panoorin ang paguusap nina NICK, Swagg, at JSmooth dito:

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at highlights tungkol sa mga streamers.