Sa pagdating ng Season 8 ng Call of Duty Mobile, siyempre kasama dito ay mga bagong updates, game modes at events. Isa na rito ang Operation Spy Hunt na tiyak na ikaaliw ng lahat.  

Operation Spy Hunt ng Call of Duty Mobile Season 8 

Call of Duty Mobile Operation Spy Hunt
Credit: Activision

Maaring malaro ang Operation Spy Hunt event sa Multiplayer at Battle Royale modes, kaya walang mapag-iiwanan sa bagong pakulo ng Activision na ‘to. Para sa event na ito, ang bawat player ay magiging isang espiya at mabibiyayaan ng gantimpala sa bawat intel na madadala niya sa base.  

Maaring makaipon ng impormasyon ang bawat player sa kanilang paglahok sa mga Multiplayer at Battle Royale matches, at maari na nilang gamitin ang kanilang nakalap para makakuha ng Lerch – Gumshoe, GKS – Claw at Charm – Servant of Doom rewards. 

Matatagpuan mo rin ng mga iilang kakamping informants in-game. Makakatanggap ka ng discount tuwing makakapigil ka ng pagkalap ng impormasyon sa ibang mga informants, at sa bawat pagharang mo ay mas mapapabilis ang pagkuha mo ng impormasyon sa bawat round. 

Mayroon ding isang Battle Royale Special Task force sa event na ito, kung saan aatasan kang pumatay ng specific na mga kalaban, at makakatanggap ka ng mas maraming impormasyon kung sila ay mapatumba mo.  

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang updates tungkol sa Call of Duty Mobile.