Pambihirang laro ang Call of Duty Modern Warfare 3 ngunit may ilang isyu pa ring hindi maiiwasan na lumabas sa laro.

Isa sa mga isyu ngayon ang MW3 Travis Rilea error code o mas kilala sa tawag na code 14515. Pero huwag mangamba dahil may solusyon para ayusin ito.



Mga paraan para maayos ang Travis Rilea error code 14515

Travis Rilea error code sa Call of Duty Modern Warfare 3
Credit: Steven Cropley/ ONE Esports

Nakakailang makaharap ang MW3 Travis Rilea error at kailangan itong maayos lalo na kung nakumpirma mo na hindi sa servers ang problema.

May ilang paraan na puwedeng subukan para maayos ang MW3 Travis Rilea error code 14515 at ito ang ilan sa kanila.


Method 1 — I-restart ang laro

Simple lang ang paraang ito pero baka ito lamang ang kailangan mong gawin para maayos ang isyu.


Method 2 — I-restart ang iyong internet connection:

Para masiguradong hindi sa internet connection ang problema, mainam na i-shut down ang router o modem. Tanggalin ang device sa saksakan at pindutin ang power button ng hindi bababa sa sampung segundo bago isaksak ito ulit at i-boot up.


Method 3 — I-restart ang iyong device:

Isa pang paraan para maayos ang isyu ay ang pag-restart ng iyong device, mapa PC man, Xbox, o Playstation. Mainam ito dahil ma-rereset ang console at matatanggal ang anumang bugs o mga isyu sa device, pati na rin ang mga device na nakakonekta dito.


Method 4 — Baguhin ang connection type:

Kung gumagamit ng WFi, maaari mong subukan na isaksak direkta ang iyong device sa router o modem gamit ang ethernet cable. Maaari itong makatulong para makakuha ng mas maaayos na connection.


Kung hindi gumagana ang mga paraang ito, magandang sumangguni sa Activision support gamit ang link na ito.

BASAHIN: Modern Warfare 3 patch may major nerf sa isang malakas na AR