Kung naghahanap ka paraaan para makapag-ikot-ikot at mang-abala sa mga games sa Call of Duty Modern Warfare 2 gamit ang quickscopes, ito ang para sa iyo.
Ang eksperto sa COD, at may nababagay na pangalang FaZe Scope sa YouTube ay nagbahagi kamakailan ng isang video tungkol sa best quickscope class sa MW2.
- Paano makuha ang Skeletor operator sa Modern Warfare 2 at Warzone 2
- Best TR 76 Geist loadout sa Modern Warfare 2 — malupit ang bagong AR na ito!
Ang best quickscope class para maghasik ng lagim

Ang sikat na Call of Duty content creator ay kumuha ng malakas na SA-B 50 at ginawa itong isang quickscoping machine.
Pinili niya na lagyan ito ng FSS OLE-V laser, SP-X 80 6.6x scope, XRK Specter Mod stock, Schlager Match rear grip, at FSS ST87 bolt.
Para sa loadout na ito, ang mga attachments na may tuning ay ang optic at rear grip lamang. Sa ganitong set-up, tiniyak ni FaZe Scope na i-tune pareho para sa mas mabilis na aim-down-sight speed, na napakahalaga sa isang quickscope build.
Kapag walang kakayahan na mag-quick scope, hindi kakayanin ng sniper na magawa ang panggugulo na ginagawa nito sa mga close quarters combat.
Best quickscope class setup ni FaZe Scope:
| SLOT | ATTACHMENT | TUNING (VERTICAL, HORIZONTAL) |
| Optic | SP-X 80 6.6x | -3.00, 0.00 |
| Laser | FSS OLE-V | N/A |
| Stock | XRK Specter MOD | N/A |
| Bolt | FSS ST87 | N/A |
| Rear grip | Schlager Match Grip | -1.00, -0.45 |
Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Best Bryson 800 loadout sa Modern Warfare 2 – matinding one-shot build!