Tila “work hard, study hard, play hard” ang motto ng Pinay actress na si Sharlene San Pedro.

Ipinasilip kamakailang ng showbiz darling ang ilang litrato sa kanyang graduation shoot kung saan nag-pose siya hawak-hawak ang kanyang smartphone na may Call of Duty Mobile.

Hindi na rookie si Sharlene sa mundo ng gaming. Nag-i-stream siya ng COD Mobile apat na araw sa isang linggo sa kanyang Facebook page at bumida pa nga bilang combat-ready Operator sa live-action trailer ng Season 3.


Nag-pose si Sharlene San Pedro gamit ang COD Mobile sa kanyang graduation photo

Ipinakita ni Sharlene San Pedro sa social media ang pag-celebrate niya sa kanyang graduation kasabay ng pagpapakita kung gaano kahalaga para sa kanya ang COD Mobile. Sa graduation photos na kanyang ibinahagi, pinakita niya ang home screen ng popular na mobile FPS na pamilyar sa karamihan ng kanyang fans.

Naglagay ng caption ang dating Goin’ Bulilit actress na nagsasabing nag-“slide-jump” siya patungo sa kanyang graduation, isang inside joke para sa COD Mobile players.

Dahil hindi pa lahat ay nagsagawa ng in-person academic events sa Pilipinas, ang 23-year-old showbiz personality mismo ang gumawa ng kanyang graduation rites. Sa isang stream kamakailan, nagsuot siya ng toga at naglakad habang tumutugtog ang isang remix ng graduation song.

“This is how you graduate in 2022. I will wear this outfit for one week,” sabi ni Sharlene San Pedro.

Bagamat madalas siyang maglaro sa kanyang phone, mayroon din siyang gaming PC na ginagamit siya para sa kanyang weekly streams.

Sa kanyang gaming setup vlog, ibinunyag ni Sharlene San Pedro ang specs ng kanyang PC kabilang na rito ang AMD Ryzen 5 processor, Gigabyte GeForce GTX 1660 Super graphics card at ASRock B450M Steel Legend motherboard.

Isa pang fun fact, dinipensahan niya ang kanyang thesis sa parehong gaming rig.


Ito’y pagsasalin ng akda ni Joseph “Jagwar” Asuncion ng ONE Esports.