May bagong AUG SMG class na ginagamit si Kris “Swagg” Lamberson sa Call of Duty: Warzone.

Bagamat MP5 ang kadalasang go-to submachine gun sa kasalukuyang meta, naniniwala ang streamer na may potensyal ang AUG (binabansagan din bilang Submachine Gun Alpha) lalo na’t nakatanggap ito ng mga buff noong dalawang nakaraang patches.

Ang mga detalye ng AUG class ni Swagg sa Call of Duty: Warzone

Binuo ni Swagg ang kanyang AUG bilang hip-fire weapon na malakas ipang-spray sa mga kalaban pag malapitan.

Sinalpakan niya ito ng Merc Foregrip at Stipllied Grip Tape upang ma-max out ang hip-fire accuracy at recoil control ng baril.

Para umubra rin bilang mid-ranged weapon, kinargahan niya rin ito ng Monolithic Suppressor at 5.56 NATO 60-round magazine upang mapahaba ang range at mapalakas ang damage output ng baril. Nabanggit nga rin ng FaZe Clan streamer na mas trip niya ito kesa sa MP5 pagdating sa malayuang barilan.

Sa video, naka-secure ng kabuuang 37 kills at 12,525 damage ang streamer sa Warzone gamit ang AUG build.

AUG class ni Swagg sa Call of Duty: Warzone
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Ito ang detalye ng AUG class niya sa Call of Duty: Warzone:

  • Muzzle: Monolithic Suppressor
  • Laser: 5mW Laser
  • Underbarrel: Merc Foregrip
  • Ammunition: 5.56 NATO 60-round Magazine
  • Rear Grip: Stippled Grip Tape

Panoorin kung paano gumana ang AUG class ni Swagg sa laro sa opisyal niyang video: