Inilabas ng sikat na streamer na si Kris “Swagg” Lamberson ang kaniyang pinakabagong FARA 83 class sa Call of Duty: Warzone.

Patuloy ang pagsikat ng assault rifle class na ito na unang nakita sa pinakaunang World Series of Warzonekung sa saan inuwi ng Team Swagg ang Captain’s Cup.

Matapos ang dominanteng pagpapakita sa Verdansk, maraming fans ang sabik malaman kung ano bang mga attachments ang tampok sa in-meta AR na ito.

Mga detalye sa FARA 83 class ni Swagg sa Call of Duty: Warzone

Ginagamit ni Swagg ang FARA 83 bilang go-to gun sa mga labanan sa long-range. Ani pa nga ng streamer, wala daw recoil ang class na ito kadikit ang mga attachments niya.

Isang attachment na tampok sa class ng Captain’ Cup winner ang  18.7″ Spetsnaz RPK Barrel na binigyan ng malaking buff sa simula ng Season 4.

Matindi ang epekto ng barrel na ito sa bullet velocity, effective damage range, gayundin sa horizontal recoil control kaya naman perpektong add-on ito sa kahit anong uri ng longshot assault rifle.

Gayunpaman, isang negatibong komento tungkol sa FARA 83 class ang kawalan nito ng mobility. Bingiyang sagot ito ng FaZe streamer sa pamamagitan ng pagparis nito sa XM4 rifle na isang mabilis na secondary weapon para sa malapitang engkwentro.

Sa video na ito, nakuha ni Swagg ang Warzone victory sa likod ng 25 kills at halimaw na 10,000 total damage output. 

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Heto ang iba pang mga detalye sa FARA 83 class niya sa Call of Duty: Warzone:

  • Muzzle: GRU Suppressor
  • Barrel: 18.7″ Spetsnaz RPK Barrel
  • Optic: Axial Arms 3x
  • Underbarrel: Spetsnaz Grip
  • Ammunition: Spetsnaz 60 Rnd

Para makita kung paano ginamit ng streamer ang FARA 83 sa Verdansk, panoorin ang opisyal na video na ito: