Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakalaban ni Kris “Swagg” Lamberson sa Call of Duty: Warzone ang isa sa teammates niya sa Nuke Squad sa Gulag.
May naramdaman nang kakaiba ang FaZe Clan streamer simula pa lang ng drop. Lumapag siya kasama ang kakampi niyang sina Danet “TheBoiSantana” Santana at Jordan “JSmooth” Cox sa may Atlas Superstore at nagsimula na sa kanilang trabaho.
Matapos magpabagsak ng ilang operators, napansin ni Swagg na may bumabaril sa kanila gamit ang isang pistol mula sa kalapit na tower. Dahil sa posibilidad na stream sniper ang naturang kalaban, bumaba sa main building ang streamer, kung saan siya napadala sa Gulag ng isang camping squad.
Swagg, nakaharap ang FaZe Clan Nuke Squad teammate niya sa Gulag

Game face on ang naturang streamer pagbagsak sa Gulag lalo na’t hindi niya masyadong gamay ang nakuhang Magnum.
Matapos ma-headshot ng hindi pa kilalang kalaban, binato na lang nito ang dalawa niyang granada habang umaasa na ma-stun ang kaharap.
Nang umabot sa overtime ang dwelo, tumakbo papalapit ang kalaban at nakuha ang lethal shot. Dito nalaman ni Swagg na ito pala ay ang kanyang Nuke Squad teammate na si Ean “Booya” Chase.
Agad na sinugod ng streamer si Booya sa kanyang stream room at inasar na “stream sniper”. Matagal na palang sinusundan ng nasabing kampi niya ang kanyang squad simula nang mag-drop sila, at umamin din ito na siya ang bumabaril sa kanila mula sa tower.
Para mapataas ang tsansa na makaharap si Swagg sa Gulag, tumalon din agad sa tower si Booya nang makitang namatay si Swagg sa may Superstore.
Kahit tila prank lang ito, sigurado nang mapagkakatiwalaan ang aim ni Booya pagdating sa Call of Duty: Warzone.