Sword na fish? O fish na sword? Mali pareho, kasi libreng assault rifle to!

Para sa Halloween event ng Season 9, ipinakikilala ng Call of Duty Mobile ang Swordfish, isang bullpup weapon na may napakalupit na burst mechanic.

Weapon attributes ng Swordfish

CallOfDuty Mobile Swordfish Weapons Attributes
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Isang classic pick mula sa Black Ops 4, ang Swordfish ay isang magandang long-range option para sa mga players na hindi mmahilig magsayang ng bala.

Ang main feature ng assault rifle na ito ay ang four-round burst fire rate na nagbibigay ng malaking damage pag tumama ang full burst.

Kung gusto mong magpakawala ng mas malakas na damage kapalit ang accuracy at recoil, may unique Longsword magazine ang assault rifle na ito na nagpapataas ng burst hanggang five rounds.

WEAPON ATTRIBUTEVALUE
Damage24
Accuracy46
Range46
Fire rate71
Mobility65
Control33

Paano ma-unlock ang Swordfish sa Call of Duty Mobile Season 9

CallOfDuty Mobile Season9 Swordfish Unlock
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Para ma-unlock nang libre ang Swordfish, kailangan mong pataasin ang level ng iyong Season 9 Battle Pass hanggang Tier 21 sa pamamagitan ng paglalaro ng mga games at pagkumpleto ng mga challenges.

Para sa karagdagang impormasyon, i-check out ang Season 9 community update.

I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang CoD Mobile news, guides, at highlights.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.