Kung gusto mo makakuha ng killer shots sa malayo sa Call of Duty Warzone, nakay streamer na si Mason “Symfuhny” Lanier ang pinakamabangis na sniper loadout para sa’yo.

Kilala si Symfuhny sa Warzone scene bilang isa sa pinakamagaling na marksmen. Kamailan lamang, finlex niya ang kaniyang skills gamit ang Swiss K31 sniper rifle at ibinunyag ang mga attachments na gamit niya para gawin itong one-shot weapon.

Bakit gamit ni Symfuhny ang Swiss K31 sniper rifle? 

Bagamat maraming scoped rifles ang pwede gamitin sa CoD battle royale na ito, nananatili si Symfuhny sa kaniyang Swiss K31 dahil sa kaniyang napakabilis na firing.

Kung ikukumpara ito sa kaniyang marksman rifle counterpart na Kar98k, nabanggit ng streamer na mas mabilis ang Swiss sa pagdulot ng mga nakakamatay na one-taps. Ito ay dahil sa kaniyang 24.9” Combat Recon barrel na nakakadagdag sa bullet velocity nang 31%.

Kinonsidera din ni Sym kung gaano siya kaliksi gamit ang Swiss K31. Inequip ng streamer ang SWAT 5mw Laser Sight para sa mabilisang ADS speed, habang ang duo na Raider Stock at Bruiser Grip ay nagpapataas ng movement speed para sa repositioning.

Kapag papanoorin ang kaniyang gameplay, agresibo maglaro si Symfuhny gamit ang Swiss. Kapag nabasag na niya ang armor ng kalaban gamit ang body shot, tutuluyan na niya ito gamit ang close-range SMG na OTs 9.

Sa kaniyang video, ginamit ni Sym ang kaniyang Swiss K31 loadout at nakakuha ng 34 kills at total na 11,459 damage.

Attachments sa sniper loadout ni Symfuhny sa Call of Duty Warzone

Symfuhny Swiss K31 loadout
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Ito ang detalye ng mga attachments ng Swiss K31 sniper loadout niya sa Call of Duty Warzone:

SLOT ATTACHMENT 
Muzzle GRU Suppressor 
Barrel 24.9″ Combat Recon 
Laser SWAT 5mw Laser Sight 
Stock Raider Stock 
Underbarrel Bruiser Grip 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga balita, highlights, at gabay tungkol sa CoD.