Matinding flex ang ipinakita ng streamer na si Mason “Symfuhny” Lanier sa isang 1v4 engkwentro sa Call of Duty: Warzone.
Sinubukan ng streamer ang kargada one-shot build para sa Swiss K31 sa isang laro kung saan tinignan niya ang limitasyon ng sniper rifle na ito sa close range combat. Oo, close range.
Gamit ang kaniyang halimaw na reflexes, in and out ang galawan ni Symfuhny para maihatid ang mabilis at mababangis na scope shots sa mga kalaban.
Walang mas babangis pa sa quick scope skills ni Symfuhny sa Swiss K31

Sa kaniyang stream kamakailan lamang, mapapanood na nag-camp out si Symfuhny sa isang building sa Karst Salt Mine kung saan napitas niya ang isang miyembro ng four stacked team.
Bagamat nakatanggap din ng paputok mula sa kalaban, tiwala ang streamer sa hawak niyang sniper rifle na nakapagpabagsak sa dalawang miyembero na nangahas sumulong papunta sa kaniyang posisyon.
Ang huling player na natira ay sumubok na i-revive ang kaniyang kasamahan sa loob ng building ngunit tiyempo ang pagsilip ni Symfuhny para sa isang quick scope tira upang kanselahin ang pag-revive.
Sa mano y manong labanan, isang swabeng point blank shot gamit ang Swiss K31 ng COD personality ang gumulat sa huling miyembro. At para kumpletuhin ang team wipe, nagpalit ng baril ang streamer at ginamit ang Bullfrog SMG niya para mag-rush sa building.
Niigpit ng streamer ang kalaban sa isang pasikat na jump shot para pataubin ang huling operator.
Panoorin ang mga aksyon sa Call of Duty: Warzone sa official Twitch channel ni Symfuhny.